Dear Kuya

Album: Tala-ArawanHere is the song that OFW's could especially relate to, Dear Kuya by Sugarfree in their latest album Tala-Arawan. Kuya pag may kumausap sayo galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya.

Here is the song that OFW’s could especially relate to, Dear Kuya by Sugarfree in their latest album Tala-Arawan.

Dear kuya, kumusta ka na dyan?
Anong balita, malamig ba dyan?
Dito mainit pero kung bumagyo,
Para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito

Matagal na rin, mula nang ika’y magpasyang subukan
ang swerte, at abutin ang yong mga pangarap
Sa ibang bansa kung saan ikaw ay laging mag-isa
kami tuloy dito, nag-aalala

Nasan ka man ngayon, ano mang oras na
ika’y may kailangan, tawag ka lang sa amin
at parang nandito ka na rin

Oo nga pala, kung nasayo pa ang checkered na polo ko,
sa yo na yan.
Hanap kana rin ng maraming mapapaglibangan dahil balita ko
mahal daw ang sine dyan
Dambuhala raw mga pinapakain dyan
tataba ka malamang.
Miss mo bang magtagalog?
Kuya pag may kumausap sayo
galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya

Nasan ka man ngayon, ano mang oras na
ika’y may kailangan, tawag ka lang sa amin
at parang nandito ka na rin

Dear kuya, hinahanap ka ni mama at daddy
sulat ka palagi.
Miss ka namin, pati nga kapitbahay nagtatanong
san ka raw nagpunta? san ka raw nagpunta?
Nasan ka na…
Kuyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

This song I dedicate to all my OFW friends and to all Filipinos abroad. My favorite lines:

Dito mainit pero kung bumagyo,
Para bang lahat ng tubig sa mundo ay nandito

and especially:

Kuya pag may kumausap sayo
galingan mong mag-ingles, galingan mo kuya

they just simply make me smile.

For those who have not yet heard of the song, check it out from this link: Dear Kuya – By Sugarfree.

10 Comments

deuts September 29, 2007 Reply

Hahaha,

Kaya kuya Mark, pag may kumausap sau, galingan mo mag ingles hah! heheeh

edwin October 1, 2007 Reply

hahaha! nakakaiyak na nakakatawa hehe.. parang e-heads ang kumanta.

deuts October 1, 2007 Reply

Madami nga nagco-compare kay Ebe Dancel kay Ely Buendia eh. Pero ang sound namn tlga ng Sugarfree ay parang Eheads.

magsie October 2, 2007 Reply

i want the whole album!!!1
di naman ako demanding nyan. 😀

deuts October 2, 2007 Reply

naku! baka ma-akusahan tau nito dito na nagpapalaganap ng piracy! hehe

magsie October 3, 2007 Reply

meron na ako. meron na ako! weeeee!

deuts October 3, 2007 Reply

Isa kang pirata! hehe

lan October 4, 2007 Reply

hala…nakakaiyak na nakakatawa….i like the song…thanks!

deuts October 4, 2007 Reply

Hi Ian, I’m sure you are someone who can particularly relate sa song…hehe

Leave a Reply to edwin Cancel reply